Revelation 2:12-29

Apocalipsis 2:12-29 Ang Biblia (1978)

12 At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga’y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14 Datapuwa’t mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka’t mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at makiapid.

15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita.

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa’t mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya’y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi; at siya’y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila’y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako’y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at bibigyan ko ang bawa’t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma’y ang nasa inyo’y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako’y pumariyan.

26 At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila’y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya’y ibibigay ko ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

 Apocalipsis 2:12-29 (ABTAG1978)

Revelation 2:12-29

The Compromising Church

12 “And to the angel of the church in Pergamos write,

‘These things says He who has the sharp two-edged sword: 13 “I know your works, and where you dwell, where Satan’s throne is. And you hold fast to My name, and did not deny My faith even in the days in which Antipas was My faithful martyr, who was killed among you, where Satan dwells. 14 But I have a few things against you, because you have there those who hold the doctrine of Balaam, who taught Balak to put a stumbling block before the children of Israel, to eat things sacrificed to idols, and to commit sexual immorality. 15 Thus you also have those who hold the doctrine of the Nicolaitans, which thing I hate. 16 Repent, or else I will come to you quickly and will fight against them with the sword of My mouth.

17 “He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches. To him who overcomes I will give some of the hidden manna to eat. And I will give him a white stone, and on the stone a new name written which no one knows except him who receives it.” ’

The Corrupt Church

18 “And to the angel of the church in Thyatira write,

‘These things says the Son of God, who has eyes like a flame of fire, and His feet like fine brass: 19 “I know your works, love, service, faith, and your patience; and as for your works, the last are more than the first. 20 Nevertheless I have a few things against you, because you allow that woman Jezebel, who calls herself a prophetess, to teach and seduce My servants to commit sexual immorality and eat things sacrificed to idols. 21 And I gave her time to repent of her sexual immorality, and she did not repent. 22 Indeed I will cast her into a sickbed, and those who commit adultery with her into great tribulation, unless they repent of their deeds. 23 I will kill her children with death, and all the churches shall know that I am He who searches the minds and hearts. And I will give to each one of you according to your works.

24 “Now to you I say, and to the rest in Thyatira, as many as do not have this doctrine, who have not known the depths of Satan, as they say, I will put on you no other burden. 25 But hold fast what you have till I come. 26 And he who overcomes, and keeps My works until the end, to him I will give power over the nations—

27 ‘He shall rule them with a rod of iron;
They shall be dashed to pieces like the potter’s vessels’—

as I also have received from My Father; 28 and I will give him the morning star.

29 “He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches.” ’

Revelation 2:12-29 (NKJV)

(Next Post) »