John 3:1-21
Juan 3:1-21 Ang Biblia (1978)
1 May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio:
2 Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya’y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka’t walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.
3 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
4 Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao’y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
6 Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.
7 Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.
8 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni’t hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa’t ipinanganak ng Espiritu.
9 Sumagot si Nicodemo at sa kaniya’y sinabi, Paanong pangyayari ng mga bagay na ito?
10 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Ikaw ang guro sa Israel, at hindi mo nauunawa ang mga bagay na ito?
11 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ang nalalaman namin ay sinasalita namin, at ang aming nakita ay pinatototohanan namin; at hindi ninyo tinanggap ang aming patotoo.
12 Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit?
13 At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga’y ang Anak ng tao, na nasa langit.
14 At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao;
15 Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.
16 Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17 Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18 Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
19 At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa.
20 Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.
21 Datapuwa’t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.
Juan 3:1-21 (ABTAG1978)
John 3:1-21
The New Birth
1There was a man of the Pharisees named Nicodemus, a ruler of the Jews. 2 This man came to Jesus by night and said to Him, “Rabbi, we know that You are a teacher come from God; for no one can do these signs that You do unless God is with him.”
3 Jesus answered and said to him, “Most assuredly, I say to you, unless one is born again, he cannot see the kingdom of God.”
4 Nicodemus said to Him, “How can a man be born when he is old? Can he enter a second time into his mother’s womb and be born?”
5 Jesus answered, “Most assuredly, I say to you, unless one is born of water and the Spirit, he cannot enter the kingdom of God. 6 That which is born of the flesh is flesh, and that which is born of the Spirit is spirit. 7 Do not marvel that I said to you, ‘You must be born again.’ 8 The wind blows where it wishes, and you hear the sound of it, but cannot tell where it comes from and where it goes. So is everyone who is born of the Spirit.”
9 Nicodemus answered and said to Him, “How can these things be?”
10 Jesus answered and said to him, “Are you the teacher of Israel, and do not know these things? 11 Most assuredly, I say to you, We speak what We know and testify what We have seen, and you do not receive Our witness. 12 If I have told you earthly things and you do not believe, how will you believe if I tell you heavenly things? 13 No one has ascended to heaven but He who came down from heaven, that is, the Son of Man who is in heaven. 14 And as Moses lifted up the serpent in the wilderness, even so must the Son of Man be lifted up, 15 that whoever believes in Him should not perish but have eternal life. 16 For God so loved the world that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him should not perish but have everlasting life. 17 For God did not send His Son into the world to condemn the world, but that the world through Him might be saved.
18 “He who believes in Him is not condemned; but he who does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only begotten Son of God. 19 And this is the condemnation, that the light has come into the world, and men loved darkness rather than light, because their deeds were evil. 20 For everyone practicing evil hates the light and does not come to the light, lest his deeds should be exposed. 21 But he who does the truth comes to the light, that his deeds may be clearly seen, that they have been done in God.”
D5 Creation