John 4:27-42

Juan 4:27-42 Ang Biblia (1978)

27 At sa ganito’y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila’y nangagtaka na siya’y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma’y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya?

28 Sa gayo’y iniwan ng babae ang kaniyang banga ng tubig, at napasa bayan, at sinabi sa mga tao,

29 Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo?

30 Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.

31 Samantala ay ipinamamanhik sa kaniya ng mga alagad, na nangagsasabi, Rabi, kumain ka.

32 Datapuwa’t sinabi niya sa kanila, Ako’y may pagkaing kakanin na hindi ninyo nalalaman.

33 Ang mga alagad nga ay nangagsangusapan, May tao kayang nagdala sa kaniya ng pagkain?

34 Sinabi sa kanila ni Jesus, Ang pagkain ko ay ang aking gawin ang kalooban ng sa akin ay nagsugo, at tapusin ang kaniyang gawa.

35 Hindi baga sinasabi ninyo, May apat na buwan pa, at saka darating ang pagaani? narito, sa inyo’y aking sinasabi, Itanaw ninyo ang inyong mga mata, at inyong tingnan ang mga bukid, na mapuputi na upang anihin.

36 Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa.

37 Sapagka’t dito’y totoo ang kasabihan, Isa ang naghahasik, at iba ang umaani.

38 Kayo’y sinugo ko upang anihin ang hindi ninyo pinagpagalan: iba ang nangagpagal, at kayo’y siyang nagsipasok sa kanilang pinagpagalan.

39 At marami sa mga Samaritano sa bayang yaon ang sa kaniya’y nagsisampalataya dahil sa salita ng babae, na nagpatotoo, Sinabi niya sa akin ang lahat ng mga bagay na aking ginawa.

40 Kaya nang sa kaniya’y magsidating ang mga Samaritano, ay sa kaniya’y ipinamanhik nila na matira sa kanila: at siya’y natira roong dalawang araw.

41 At lalo pang marami ang mga nagsisampalataya sa kaniya dahil sa kaniyang salita;

42 At sinabi nila sa babae, Ngayo’y nagsisisampalataya kami, hindi dahil sa iyong pananalita: sapagka’t kami rin ang nakarinig, at nalalaman naming ito nga ang Tagapagligtas ng sanglibutan.

Juan 4:27-42 (ABTAG1978)

John 4:27-42

The Whitened Harvest

27 And at this point His disciples came, and they marveled that He talked with a woman; yet no one said, “What do You seek?” or, “Why are You talking with her?”

28 The woman then left her waterpot, went her way into the city, and said to the men, 29 “Come, see a Man who told me all things that I ever did. Could this be the Christ?” 30 Then they went out of the city and came to Him.

31 In the meantime His disciples urged Him, saying, “Rabbi, eat.”

32 But He said to them, “I have food to eat of which you do not know.”

33 Therefore the disciples said to one another, “Has anyone brought Him anything to eat?”

34 Jesus said to them, “My food is to do the will of Him who sent Me, and to finish His work. 35 Do you not say, ‘There are still four months and then comes the harvest’? Behold, I say to you, lift up your eyes and look at the fields, for they are already white for harvest! 36 And he who reaps receives wages, and gathers fruit for eternal life, that both he who sows and he who reaps may rejoice together. 37 For in this the saying is true: ‘One sows and another reaps.’ 38 I sent you to reap that for which you have not labored; others have labored, and you have entered into their labors.”

The Savior of the World

39 And many of the Samaritans of that city believed in Him because of the word of the woman who testified, “He told me all that I ever did.” 40 So when the Samaritans had come to Him, they urged Him to stay with them; and He stayed there two days. 41 And many more believed because of His own word.

42 Then they said to the woman, “Now we believe, not because of what you said, for we ourselves have heard Him and we know that this is indeed the Christ, the Savior of the world.”

John 4:27-42 (NKJV)

« (Previous Post)