John 1:1-18
Juan 1:1-18 Ang Biblia (1978)
1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
2 Ito rin nang pasimula’y sumasa Dios.
3 Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.
4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.
5 At ang ilaw ay lumiliwanag sa kadiliman; at ito’y hindi napagunawa ng kadiliman.
6 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan.
7 Ito’y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya’y magsisampalataya ang lahat.
8 Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw.
9 Nagkaroon ng tunay na ilaw, sa makatuwid baga’y ang ilaw na lumiliwanag sa bawa’t tao, na pumaparito sa sanglibutan.
10 Siya’y nasa sanglibutan, at ang sanglibuta’y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan.
11 Siya’y naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya.
12 Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
13 Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
15 Pinatotohanan siya ni Juan, at sumigaw, na nagsasabi, Ito yaong aking sinasabi, Ang pumaparitong nasa hulihan ko ay magiging una sa akin: sapagka’t siya’y una sa akin.
16 Sapagka’t sa kaniyang kapuspusan ay nagsitanggap tayong lahat, at biyaya sa biyaya.
17 Sapagka’t ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo.
18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.
Juan 1:1-18 (ABTAG1978)
John 1:1-18
The Eternal Word
1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. 2 He was in the beginning with God. 3 All things were made through Him, and without Him nothing was made that was made. 4 In Him was life, and the life was the light of men. 5 And the light shines in the darkness, and the darkness did not comprehend it.
John’s Witness: The True Light
6 There was a man sent from God, whose name was John. 7 This man came for a witness, to bear witness of the Light, that all through him might believe. 8 He was not that Light, but was sent to bear witness of that Light. 9 That was the true Light which gives light to every man coming into the world.
10 He was in the world, and the world was made through Him, and the world did not know Him. 11 He came to His own, and His own did not receive Him. 12 But as many as received Him, to them He gave the right to become children of God, to those who believe in His name: 13 who were born, not of blood, nor of the will of the flesh, nor of the will of man, but of God.
The Word Becomes Flesh
14 And the Word became flesh and dwelt among us, and we beheld His glory, the glory as of the only begotten of the Father, full of grace and truth.
15 John bore witness of Him and cried out, saying, “This was He of whom I said, ‘He who comes after me is preferred before me, for He was before me.’ ”
16 And of His fullness we have all received, and grace for grace. 17 For the law was given through Moses, but grace and truth came through Jesus Christ. 18 No one has seen God at any time. The only begotten Son, who is in the bosom of the Father, He has declared Him.
John 1:1-18 NKJV
D5 Creation