John 3:22-36

Juan 3:22-36 Ang Biblia (1978)

22 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nagsiparoon si Jesus at ang kaniyang mga alagad sa lupain ng Judea; at doon siya tumira na kasama nila, at bumabautismo.

23 At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka’t doo’y maraming tubig: at sila’y nagsiparoon, at nangabautismuhan.

24 Sapagka’t hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan.

25 Nagkaroon nga ng isang pakikipagtalo ang mga alagad ni Juan sa isang Judio tungkol sa paglilinis.

26 At sila’y nagparoon kay Juan, at sa kaniya’y sinabi, Rabi, yaong kasama mo sa dako pa roon ng Jordan, na binigyan mong patotoo, narito, siya’y bumabautismo, at ang lahat ng mga tao’y nagsisiparoon sa kaniya.

27 Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito’y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.

28 Kayo man ay magsisisaksi sa akin, na aking sinabi, Hindi ako ang Cristo, kundi, na ako’y sinugo sa unahan niya.

29 Ang nagtatangkilik sa kasintahang babae ay ang kasintahang lalake: datapuwa’t ang kaibigan ng kasintahang lalake, na nakatayo at nakikinig sa kaniya, ay nagagalak na lubos dahil sa tinig ng kasintahang lalake: ito ngang aking kaligayahan ay naganap.

30 Siya’y kinakailangang dumakila, ngunit ako’y kinakailangang bumaba.

31 Ang nanggagaling sa itaas ay sumasaibabaw ng lahat: ang galing sa lupa ay taga lupa nga, at ang ukol sa lupa ang sinasalita niya: ang nanggagaling sa langit ay sumasaibabaw ng lahat.

32 At kaniyang nakita at narinig, ay siyang pinatototohanan niya; at walang taong tumatanggap ng kaniyang patotoo.

33 Ang tumatanggap ng kaniyang patotoo ay naglagay dito ng kaniyang tatak, na ang Dios ay totoo.

34 Sapagka’t ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka’t hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.

35 Sinisinta ng Ama ang Anak, at inilagay sa kaniyang kamay ang lahat ng mga bagay.

36 Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.

Juan 3:22-36 (ABTAG1978)

 

John 3:22-36

John the Baptist Exalts Christ

22 After these things Jesus and His disciples came into the land of Judea, and there He remained with them and baptized. 23 Now John also was baptizing in Aenon near Salim, because there was much water there. And they came and were baptized. 24 For John had not yet been thrown into prison.

25 Then there arose a dispute between some of John’s disciples and the Jews about purification. 26 And they came to John and said to him, “Rabbi, He who was with you beyond the Jordan, to whom you have testified—behold, He is baptizing, and all are coming to Him!”

27 John answered and said, “A man can receive nothing unless it has been given to him from heaven. 28 You yourselves bear me witness, that I said, ‘I am not the Christ,’ but, ‘I have been sent before Him.’ 29 He who has the bride is the bridegroom; but the friend of the bridegroom, who stands and hears him, rejoices greatly because of the bridegroom’s voice. Therefore this joy of mine is fulfilled. 30 He must increase, but I must decrease. 31 He who comes from above is above all; he who is of the earth is earthly and speaks of the earth. He who comes from heaven is above all. 32 And what He has seen and heard, that He testifies; and no one receives His testimony. 33 He who has received His testimony has certified that God is true. 34 For He whom God has sent speaks the words of God, for God does not give the Spirit by measure. 35 The Father loves the Son, and has given all things into His hand. 36 He who believes in the Son has everlasting life; and he who does not believe the Son shall not see life, but the wrath of God abides on him.”

John 3:22-36 (NKJV)

« (Previous Post)