John 4:1-26
Juan 4:1-26 Ang Biblia (1978)
4 Nang maalaman nga ng Panginoon na nabalitaan ng mga Fariseo na si Jesus ay gumagawa at bumabautismo ng lalong maraming alagad kay sa kay Juan
2 (bagaman hindi bumabautismo si Jesus, kundi ang kaniyang mga alagad),
3 Nilisan niya ang Judea, at naparoong muli sa Galilea.
4 At kinakailangang magdaan siya sa Samaria.
5 Sumapit nga siya sa isang bayan ng Samaria, na tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi ng lupang ibinigay ni Jacob kay Jose na kaniyang anak:
6 At naroon ang balon ni Jacob. Si Jesus nga, nang napapagod na sa kaniyang paglalakbay, ay naupong gayon sa tabi ng balon. Magiikaanim na nga ang oras.
7 Dumating ang isang babaing taga Samaria upang umigib ng tubig: sa kaniya’y sinabi ni Jesus, Painumin mo ako.
8 Sapagka’t napasa bayan ang kaniyang mga alagad upang magsibili ng pagkain.
9 Sinabi nga sa kaniya ng babaing Samaritana, Paano ngang ikaw, na isang Judio, ay humingi ng maiinom sa akin, na ako’y babaing Samaritana? (Sapagka’t hindi nangakikipagusap ang mga Judio sa mga Samaritano.)
10 Sumagot si Jesus at sa kaniya’y sinabi, Kung napagkikilala mo ang kaloob ng Dios, at kung sino ang sa iyo’y nagsasabi, Painumin mo ako; ikaw ay hihingi sa kaniya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay.
11 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, wala kang sukat isalok ng tubig, at malalim ang balon: saan nga naroon ang iyong tubig na buhay?
12 Dakila ka pa baga sa aming amang si Jacob, na sa ami’y nagbigay ng balon, at dito’y uminom siya, at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang mga hayop?
13 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Ang bawa’t uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw:
14 Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.
15 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig na ito, upang ako’y huwag mauhaw, ni pumarito man sa ganito kalayo upang umigib pa.
16 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, tawagin mo ang iyong asawa, at pumarito ka.
17 Sumagot ang babae at sinabi sa kaniya, Wala akong asawa. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Mabuti ang pagkasabi mo, Wala akong asawa:
18 Sapagka’t nagkaroon ka na ng limang asawa; at ang nasa iyo ngayon ay hindi mo asawa: dito’y sinabi mo ang katotohanan.
19 Sinabi sa kaniya ng babae, Ginoo, napaghahalata kong ikaw ay isang propeta.
20 Nagsisamba ang aming mga magulang sa bundok na ito; at sinasabi ninyo, na sa Jerusalem ay siyang dakong kinakailangang pagsambahan ng mga tao.
21 Sa kaniya’y sinabi ni Jesus, Babae, paniwalaan mo ako, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.
22 Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nalalaman: sinasamba namin ang nalalaman namin; sapagka’t ang kaligtasan ay nanggagaling sa mga Judio.
23 Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
24 Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
25 Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay.
26 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga.
Juan 4:1-26 (ABTAG1978)
John 4:1-26
A Samaritan Woman Meets Her Messiah
1 Therefore, when the Lord knew that the Pharisees had heard that Jesus made and baptized more disciples than John 2 (though Jesus Himself did not baptize, but His disciples), 3 He left Judea and departed again to Galilee. 4 But He needed to go through Samaria.
5 So He came to a city of Samaria which is called Sychar, near the plot of ground that Jacob gave to his son Joseph. 6 Now Jacob’s well was there. Jesus therefore, being wearied from His journey, sat thus by the well. It was about the sixth hour.
7 A woman of Samaria came to draw water. Jesus said to her, “Give Me a drink.” 8 For His disciples had gone away into the city to buy food.
9 Then the woman of Samaria said to Him, “How is it that You, being a Jew, ask a drink from me, a Samaritan woman?” For Jews have no dealings with Samaritans.
10 Jesus answered and said to her, “If you knew the gift of God, and who it is who says to you, ‘Give Me a drink,’ you would have asked Him, and He would have given you living water.”
11 The woman said to Him, “Sir, You have nothing to draw with, and the well is deep. Where then do You get that living water? 12 Are You greater than our father Jacob, who gave us the well, and drank from it himself, as well as his sons and his livestock?”
13 Jesus answered and said to her, “Whoever drinks of this water will thirst again, 14 but whoever drinks of the water that I shall give him will never thirst. But the water that I shall give him will become in him a fountain of water springing up into everlasting life.”
15 The woman said to Him, “Sir, give me this water, that I may not thirst, nor come here to draw.”
16 Jesus said to her, “Go, call your husband, and come here.”
17 The woman answered and said, “I have no husband.”
Jesus said to her, “You have well said, ‘I have no husband,’ 18 for you have had five husbands, and the one whom you now have is not your husband; in that you spoke truly.”
19 The woman said to Him, “Sir, I perceive that You are a prophet. 20 Our fathers worshiped on this mountain, and you Jews say that in Jerusalem is the place where one ought to worship.”
21 Jesus said to her, “Woman, believe Me, the hour is coming when you will neither on this mountain, nor in Jerusalem, worship the Father. 22 You worship what you do not know; we know what we worship, for salvation is of the Jews. 23 But the hour is coming, and now is, when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth; for the Father is seeking such to worship Him. 24 God is Spirit, and those who worship Him must worship in spirit and truth.”
25 The woman said to Him, “I know that Messiah is coming” (who is called Christ). “When He comes, He will tell us all things.”
26 Jesus said to her, “I who speak to you am He.”
D5 Creation