John 4:43-54

Juan 4:43-54 Ang Biblia (1978)

43 At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea.

44 Sapagka’t si Jesus din ang nagpatotoo, na ang isang propeta ay walang kapurihan sa kaniyang sariling lupain.

45 Kaya nang siya’y dumating sa Galilea, ay tinanggap siya ng mga Galileo, nang kanilang mangakita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka’t sila man ay nagsiparoon din sa kapistahan.

46 Naparoon ngang muli siya sa Cana ng Galilea, na doo’y kaniyang pinapaging alak ang tubig. At naroroon ang isang mahal na tao, na ang kaniyang anak na lalake ay may-sakit sa Capernaum.

47 Nang mabalitaan niya na si Jesus ay dumating sa Galilea na mula sa Judea, ay naparoon siya sa kaniya, at ipinamanhik sa kaniya na siya’y lumusong, at pagalingin ang kaniyang anak na lalake; sapagka’t siya’y naghihingalo.

48 Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Malibang kayo’y mangakakita ng mga tanda at mga kababalaghan, ay hindi kayo magsisipaniwala sa anomang paraan.

49 Ang mahal na tao ay nagsabi sa kaniya, Ginoo, lumusong ka bago mamatay ang aking anak.

50 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Yumaon ka ng iyong lakad; buhay ang anak mo. Pinaniwalaan ng lalake ang salitang sinalita sa kaniya ni Jesus, at siya’y yumaon sa kaniyang lakad.

51 At samantalang siya’y lumulusong, ay sinalubong siya ng kaniyang mga alipin, na nangagsasabi, na ang kaniyang anak ay buhay.

52 Itinanong nga niya sa kanila ang oras nang siya’y pasimulan ng paggaling. Sa kaniya nga’y kanilang sinabi, Kahapon nang ikapitong oras inibsan siya ng lagnat.

53 Naunawa nga ng ama na sa oras na yaon nang sabihin sa kaniya ni Jesus, Buhay ang anak mo: at siya’y sumampalataya, at ang kaniyang buong sangbahayan.

54 Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya’y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.

Juan 4:43-54 (ABTAG1978)

John 4:43-54

Welcome at Galilee

43 Now after the two days He departed from there and went to Galilee. 44 For Jesus Himself testified that a prophet has no honor in his own country. 45 So when He came to Galilee, the Galileans received Him, having seen all the things He did in Jerusalem at the feast; for they also had gone to the feast.

A Nobleman’s Son Healed

46 So Jesus came again to Cana of Galilee where He had made the water wine. And there was a certain [a]nobleman whose son was sick at Capernaum. 47 When he heard that Jesus had come out of Judea into Galilee, he went to Him and implored Him to come down and heal his son, for he was at the point of death. 48 Then Jesus said to him, “Unless you people see signs and wonders, you will by no means believe.”

49 The nobleman said to Him, “Sir, come down before my child dies!”

50 Jesus said to him, “Go your way; your son lives.” So the man believed the word that Jesus spoke to him, and he went his way. 51 And as he was now going down, his servants met him and told him, saying, “Your son lives!”

52 Then he inquired of them the hour when he got better. And they said to him, “Yesterday at the seventh hour the fever left him.” 53 So the father knew that it was at the same hour in which Jesus said to him, “Your son lives.” And he himself believed, and his whole household.

54 This again is the second sign Jesus did when He had come out of Judea into Galilee.

John 4:43-54 (NKJV)

« (Previous Post)