Revelation 1:9-20

Apocalipsis 1:9-20 Ang Biblia (1978)

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.

10 Ako’y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia: sa Efeso, at sa Smirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.

12 At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

17 At nang siya’y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; ako’y ang una at ang huli,

18 At ang Nabubuhay; at ako’y namatay, at narito, ako’y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.

19 Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo, at ang mga bagay ngayon, at ang mga bagay na mangyayari sa darating;

20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Apocalipsis 1:9-20 Ang Biblia (1978) (ABTAG1978

Vision of the Son of Man

I, John, both your brother and companion in the tribulation and kingdom and patience of Jesus Christ, was on the island that is called Patmos for the word of God and for the testimony of Jesus Christ. 10 I was in the Spirit on the Lord’s Day, and I heard behind me a loud voice, as of a trumpet, 11 saying, “I am the Alpha and the Omega, the First and the Last,” and, “What you see, write in a book and send it to the seven churches which are in Asia: to Ephesus, to Smyrna, to Pergamos, to Thyatira, to Sardis, to Philadelphia, and to Laodicea.”

12 Then I turned to see the voice that spoke with me. And having turned I saw seven golden lampstands, 13 and in the midst of the seven lampstands One like the Son of Man, clothed with a garment down to the feet and girded about the chest with a golden band. 14 His head and hair were white like wool, as white as snow, and His eyes like a flame of fire; 15 His feet were like fine brass, as if refined in a furnace, and His voice as the sound of many waters; 16 He had in His right hand seven stars, out of His mouth went a sharp two-edged sword, and His countenance was like the sun shining in its strength. 17 And when I saw Him, I fell at His feet as dead. But He laid His right hand on me, saying to me, “Do not be afraid; I am the First and the Last. 18 I am He who lives, and was dead, and behold, I am alive forevermore. Amen. And I have the keys of Hades and of Death. 19 Write the things which you have seen, and the things which are, and the things which will take place after this. 20 The mystery of the seven stars which you saw in My right hand, and the seven golden lampstands: The seven stars are the angels of the seven churches, and the seven lampstands which you saw are the seven churches.

Revelation 1:9-20 NKJV

« (Previous Post)
(Next Post) »