Revelation 3

Apocalipsis 3:1-13 Ang Biblia (1978)

At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: Nalalaman ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.

Magpuyat ka, at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira, na malapit ng mamatay: sapagka’t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios.

Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito’y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.

Nguni’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila’y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi; sapagka’t sila’y karapatdapat.

Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.

Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

10 Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.

11 Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong.

12 Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Apocalipsis 3:1-13 (ABTAG1978)

Revelation 3:1-13

The Dead Church

“And to the angel of the church in Sardis write,

‘These things says He who has the seven Spirits of God and the seven stars: “I know your works, that you have a name that you are alive, but you are dead. Be watchful, and strengthen the things which remain, that are ready to die, for I have not found your works perfect before God. Remember therefore how you have received and heard; hold fast and repent. Therefore if you will not watch, I will come upon you as a thief, and you will not know what hour I will come upon you. 4 You have a few names even in Sardis who have not defiled their garments; and they shall walk with Me in white, for they are worthy. He who overcomes shall be clothed in white garments, and I will not blot out his name from the Book of Life; but I will confess his name before My Father and before His angels.

“He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches.” ’

The Faithful Church

“And to the angel of the church in Philadelphia write,

‘These things says He who is holy, He who is true, “He who has the key of David, He who opens and no one shuts, and shuts and no one opens”: “I know your works. See, I have set before you an open door, and no one can shut it; for you have a little strength, have kept My word, and have not denied My name. Indeed I will make those of the synagogue of Satan, who say they are Jews and are not, but lie—indeed I will make them come and worship before your feet, and to know that I have loved you. 10 Because you have kept My command to persevere, I also will keep you from the hour of trial which shall come upon the whole world, to test those who dwell on the earth. 11 Behold, I am coming quickly! Hold fast what you have, that no one may take your crown. 12 He who overcomes, I will make him a pillar in the temple of My God, and he shall go out no more. I will write on him the name of My God and the name of the city of My God, the New Jerusalem, which comes down out of heaven from My God. And I will write on him My new name.

13 “He who has an ear, let him hear what the Spirit says to the churches.” ’

Revelation 3:1-13 (NKJV)

 

« (Previous Post)
(Next Post) »