Revelation 4

Apocalipsis 4 Ang Biblia (1978)

Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang pintong bukas sa langit, at ang unang tinig na aking narinig, na gaya ng sa pakakak, na nakikipagusap sa akin, ay sa isang nagsasabi, Umakyat ka rito, at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin.

Pagdaka’y napasa Espiritu ako: at narito, may isang luklukang nalalagay sa langit, at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo;

At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio: at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda.

At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu’t apat na luklukan: at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu’t apat na matatanda, na nadaramtan ng mapuputing damit; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto.

At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat, at mga tinig at mga kulog. At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan, na siyang pitong Espiritu ng Dios;

At sa harapan ng luklukan, ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin; at sa gitna ng luklukan, at sa palibot ng luklukan, ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.

At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon, at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka, at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao, at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad.

At ang apat na nilalang na buhay, na may anim na pakpak bawa’t isa sa kanila, ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob; at sila’y walang pahinga araw at gabi, na nagsasabi,

Banal, banal, banal, ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, na nabuhay at nabubuhay at siyang darating.

At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man,

10 Ang dalawangpu’t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi,

11 Marapat ka, Oh Panginoon namin at Dios namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan: sapagka’t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw, at nangalikha.

Apocalipsis 4 (ABTAG1978)

Revelation 4

The Throne Room of Heaven

After these things I looked, and behold, a door standing open in heaven. And the first voice which I heard was like a trumpet speaking with me, saying, “Come up here, and I will show you things which must take place after this.”

Immediately I was in the Spirit; and behold, a throne set in heaven, and One sat on the throne. And He who sat there was like a jasper and a sardius stone in appearance; and there was a rainbow around the throne, in appearance like an emerald. Around the throne were twenty-four thrones, and on the thrones I saw twenty-four elders sitting, clothed in white robes; and they had crowns of gold on their heads. And from the throne proceeded lightnings, thunderings, and voices. Seven lamps of fire were burning before the throne, which are the[d] seven Spirits of God.

Before the throne there was a sea of glass, like crystal. And in the midst of the throne, and around the throne, were four living creatures full of eyes in front and in back. The first living creature was like a lion, the second living creature like a calf, the third living creature had a face like a man, and the fourth living creature was like a flying eagle. The four living creatures, each having six wings, were full of eyes around and within. And they do not rest day or night, saying:

“Holy, holy, holy,
Lord God Almighty,
Who was and is and is to come!”

Whenever the living creatures give glory and honor and thanks to Him who sits on the throne, who lives forever and ever, 10 the twenty-four elders fall down before Him who sits on the throne and worship Him who lives forever and ever, and cast their crowns before the throne, saying:

11 “You are worthy, O Lord,
To receive glory and honor and power;
For You created all things,
And by Your will they exist and were created.”

Revelation 4 (NKJV)

« (Previous Post)
(Next Post) »